PINABULAANAN | BAI, pinasinungalingan ang mga ulat na mayroong swine flu sa bansa

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng Bureau of Animal Industry ang kumakalat na paalala sa social media laban sa pagkain ng baboy dahil sa umano ay pagkalat ng swine flu.

Base sa inilabas na pahayag ng ahensya, mali ang impormasyon na 44 na baboy ang namamatay kada araw dahil sa influenza.

Ayon kay Animal Health and Welfare Division O.I.C., Dr. Arlene Vytiaco – huwag agad maniwala sa mga balitang kumakalat sa social media o internet.


Nakipag-ugnayan na sila sa Department of Agriculture (DA) at mga kinauukulang ahensya upang mapanatiling maayos ang pag-aalaga sa mga baboy at maging ligtas ang supply ng baboy sa merkado.

Facebook Comments