PINABULAANAN | Castro, itinangging myembro siya ng CPP-NPA

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro ang akusasyon ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr. na aktibong myembro siya ng CPP-NPA.

Matapos makulong ng ilang araw at makalaya noong Sabado ng gabi habang nagsasagawa ng solidarity mission sa mga Lumad schools sa Talaingod, Davao del Norte ay balik Kamara na si Castro.

Binigyang diin ni Castro na hindi siya kasapi ng New People’s Army (NPA).


Iginiit ni Castro na kapag may nangyari sa kanyang buhay dahil sa bintang na siya ay active member ng NPA, walang ibang dapat papanagutin kundi si General Galvez.

Sinabi ng kongresista na alam naman ang nangyayari at ginagawa ng militar sa mga sinasabing myembro ng NPA.

Dahil dito ay maghahain ng kaso ang Makabayan bloc sa Office of the Ombudsman laban kay Galvez.

Quota na aniya si General Galvez sa pag-uugnay sa kanila sa Red October plot at ngayon ay pag-aakusa na myembro siya ng NPA.

Facebook Comments