Manila, Philippines – Itinanggi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na sangkot sila sa destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos sabihin ni Pastor Boy Saycon na sangkot ang simbahang Katoliko sa destabilisasyon laban sa Duterte sa gitna ng mga komento nito sa bibliya.
Ayon kay CBCP Permanent Committee on Public Affairs Chairman Bishop Reynaldo Evangelista, walang layunin ang simbahan na patalsikin sa puwesto ang Pangulong Duterte.
Aniya, isinusulong ng simbahan ang pag-iwas sa karahasan at pagiging mahinahon.
Facebook Comments