Manila, Philippines – Itinanggi ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na interesado siyang maging prime minister kasunod ng nangyaring palitan ng liderato sa Kamara.
Ayon kay Arroyo, kahit prayoridad nilang tutukan ang cha-cha at pag-amyenda sa 1987 constitution ay hinihintay pa rin nila ang panig ng Senado hinggil rito.
Kasabay nito, tiniyak rin ni Arroyo na hindi siya pabor na ipagpaliban ang Halalan sa susunod na taon.
Matatandaang bago mapatalsik sa pwesto, isinusulong ni Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez ang no-el para bigyan ng panahon ang mga mambabatas sa panukalang pagpapalit sa pederalismo.
Facebook Comments