PINABULAANAN | Labor Secretary Silvestre Bello, itinanggi na si Usec. Paras ang nasa likod ng demolition job sa kanya

Manila, Philippines – Pinabulaanan ngayon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang kanyang Undersecretary for OFW Affairs Jacinto Paras ang nasasa likod ng kampanyang patalsikin siya sa pwesto.

Ayon kay Secretary Bello, wala umano silang samaan ng loob ni Paras na nakasama niya sa isang event kasama ang Pangulong Duterte.

Maayos umano ang relasyon niya dito at itinuturing ni Bello na asset sa Labor Department ang dating Congressman ng Negros Oriental.


Paliwanag pa ni Bello, maaaring ayaw lang ng ibang mga tao o pulitiko na siya ay maging Ombudsman.

Kinasahan naman ni Allie Dizon, Secretary General ng National Movement for Change o Kilusang Pagbabago ang hamon ni Bello na sila ay magpa lie detector test sa Malacañang.

Kahapon nag file na ng request para sa lie detector test si Dizon sa Presidential Anti Corruption Commission, ang itinalagang ahensya ni Pangulong Duterte na mag imbestiga sa mga katiwalian sa pamahalaan.

Sagot ito ni Dizon nang hamunin siya ni Bello na mag pa lie detector test upang mapabulaanan na tumanggap siya ng milyong pisong lagay mula sa kanyang Fraternity Brother at dating Undersecretary Say.

Inakusahan ng isang Azziza Alih si Say na kumolekta ng mahigit 16 million pesos para diumano mawala ang Suspension Order ng POEA sa kanyang Recruitment Agency.

Pinabulaanan ni Bello ang akusasyong tumatanggap siya ng lagay kung saan ay nagpapatuloy ang imbestigasyon laban kay Bello sa Palasyo ng Malakanyang mismo.

Matatandaang nangako si Pangulong Duterte na kanyang sisibakin sa pwesto ang sinumang opisyales de gobierno na mapapatunayang sangkot sa katiwalian.

Facebook Comments