PINABULAANAN | LP, pumalag sa pahayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ukol sa Martial Law

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ni Liberal Party o LP president senator Kiko Pangilinan ang pinakahuling kwento ni dating Senate President Ponce Enrile ukol sa Martial Law.

Giit ni Pangilinan, hindi totoo ang sinabi ni Enrile na idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar noong September 1972 dahil sa pakikipag-alyansa ng LP sa komunistang grupo.

Diin ni Pangilinan, ang nabanggit na detalye ay isang kasinungalingan ni Marcos para bigyang-katwiran ang balak nitong manatili sa kapangyarihan.


Binaggit pa ni pangilinan na kasama sa kasinungalingan ang pekeng ambush kay Enrile, na inamin mismo nito sa simula ng pag-aalsa ng EDSA People Power.

Facebook Comments