Manila, Philippines – Itinanggi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ulat na binigyan na nila ng go-signal para makapag-operate sa bansa ang apat na bagong Transport Network Companies (TNC).
Nabatid na lumabas ang isang report sa telebisyon kung saan inihayag ni Transportation Assistant Secretary Elvira Medina na inaprubahan na ang accreditation ng apat na TNC.
Paglilinaw ni LTFRB Board Member Aileen Lizada, kinukumpleto pa ng mga kumpanyang ‘lag go’, ‘owto’ at ‘hype’ ang requirements para sa application for accreditation.
Bukod sa tatlong TNVS, ang kumpanyang ‘Picar’ ay nais ding pumasok sa ride-sharing industry ng bansa.
Facebook Comments