PINABULAANAN | Pagtapyas sa 2018 disaster fund ng Pangulo, itinanggi

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ni Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda ang balitang tinapyasan ng 11.1 bilyung piso ang National Disaster Risk and Management Fund ng Pangulong Rodrigo Duterte para sa susunod na taon.

Diin ni Legarda, nanatiling buo ang disaster fund para sa 2018.

Paliwanag ni Legarda, dati ay nasa palasyo ang buong NDRRMC fund, pero ipinasya nila na ang bahagi ng nabanggit nito ay ilagak sa iba’t ibang kinauukulang ahensya ng gobyerno tulad ng DSWD, DPWH, DepEd at Office of Civil Defense.


Layunin aniya ng nasabing hakbang na maiwasan ang lump sum at para din para maging mabilis ang pagkuha o paggamit sa disaster fund sa panahon ng kalamidad.

Sabi ni Legarda, mayroon pang 19 billion pesos na quick response fund ang palasyo pero ang sampung bilyung piso ay para sa Marawi rehabilitation.
Quick Response Fund (QRF) under the agencies for 2018:

DSWD
P1.25 billion

DA
P1 billion

DepEd
P2 billion

DPWH
P1 billion

DND OCD
P500 million

DND AFP
P750 million

DOH
P500 million
National Electrification Administration (NEA)
P100 million

National Irrigation Administration (NIA)
P500 million

Facebook Comments