PINABULAANAN | Pahayag na kagagawan ng mga pulis ang EJK sa Cebu, itinanggi ng PNP

10

Pinabulaanan mismo ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang pahayag ng international human rights groups na kagagawan ng mga retirado at aktibong pulis ang nangyayaring extra judicial killings o EJK sa Cebu.

Ayon kay Albayalde na anumang operasyon laban sa criminal syndicates ay mahigpit na sinusunod ng kanilang hanay ang batas.

Magkagayunpaman iniutos niya na kay PNP Region 7 Regional Director Chief Superintendent Debold Sinas na paigtingin ang police operations para matukoy at maaresto ang mga kriminal na pumapatay sa Cebu.

Naniniwala rin si Albayalde na anuman ang hindi magandang imahe ng Central Visayas ay hindi naglalarawan sa sitwasyon sa labing anim pang rehiyon sa bansa.

Facebook Comments