Manila, Philippines – Itinatanggi ng Quezon City Police District (QCPD) na pinahirapan ang isang detainee na namatay sa Novaliches Police Station.
Ayon kay Police Chief Superintendent Joselito Escquivel, walang nangyaring police brutality sa kaso ni Genesis Argoncillo alias Tisoy.
Batay sa records ng QCPD, inaresto ng Police Station-4 noong June 15 si Argoncillo dahil sa alarm and scandal.
Apat na araw ding naidetine si Argoncillo, pero noong June 19, isinugod ito sa Novaliches District Hospital dahil sa paninikip ng dibdib.
Pasado ala singko ng umaga, ideneklarang patay ni Dr. Jethiel Fabon si Argoncillo.
Nagpalabas din ng sertipikasyon si Dr. Fabon na hindi kinakitaan si Argoncillo ng senyales ng pagpapahirap o external injuries.
Sa nakalipas na buwan, may apat ng namatay habang nasa loob ng custodial facilities ng QCPD.
Lahat ay parehong nagpakita ng paninikip ng dibdib.