PINABULAANAN | Rep. Batocabe, iginiit na hindi totoo na ‘hotbed’ ng shabu ang Naga City

Manila, Philippines – Pinabulaanan ni Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe ang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hotbed ng shabu ang Naga City.

Ayon kay Batocabe, hindi niya nakikita na maraming drug addict o pusher sa lungsod at wala ring nasasabat na malalaking bulto ng shabu doon.

Giit ni Batocabe, kung talagang talamak ang droga sa naga ay dapat pagpaliwanagin ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation ( NBI).


Sabi naman ni Christian Frivaldo, regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bicol na di hamak na mas malala pa ang problema sa ilegal na droga sa Maynila kaysa sa Naga City.

Facebook Comments