Manila, Philippines – Nagsasabwatan umano ang grupong Magdalo at ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army para pabagsakin ang administrasyon.
Ito ang ibinulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa one-on-one interview sa kanya ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa malacañang kahapon.
Sabi ng Pangulo, may hawak siyang ebidensya na magpapatunay sa sabwatan ng Magdalo at CPP-NPA kabilang ang isang recorded conversation ng dalawang grupo.
Aniya, bigay ito ng isang foreign country na may simpatya sa kanya, at hihilingin niyang mailantad ito sa publiko.
Samantala, mariin namang itinanggi ni Senador Antonio Trillanes IV ang umano ay sabwatan ng Magdalo at CPP-NPA.
Kung tutuusin aniya, si Pangulong Duterte pa nga ang nagpakawala sa mga NPA commanders at nakikipag-usap kay CPP Founder Joma Sison.