Manila, Philippine – Pinabulaanan ni Office of the Court Administrator Jose Midas Marquez sa kanyang pagsalang sa public interview ng JBC na nakialam siya sa disbarment case ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Kaugnay ito ng ginawang pambubugbog noong 2011 ng alkalde sa isang court sheriff.
Sa pagtatanong kanina nina JBC members Atty. Milagros Fernan-Cayos at Ret. Judge Toribio Ilao Jr., nilinaw din ni Marquez na hindi siya nakialam sa kaso ng mayora para lamang makakuha ang simpatiya ni Mayor Sara Duterte Carpio.
Ayon pa kay Marquez, Ang tangi niyang naalaala ay nuong nagkaroon ng meeting ang Sheriffs Confederation of the Philippines sa Tagaytay City noong Abril ay hiningi ng ilang sheriff ang kanyang opinion kaugnay sa plano ng samahan ng mga sheriff na i-urong disbarment case laban sa anak ng Pangulong Duterte.
Pina-alalahan niya aniya noon ang mga sheriff na ang pag-withdraw ng disbarment case ay hindi makakapigil sa pagpapalabas ng desisyon ng korte.
Mula anya noon ay wala na siyang alam kung ano na ang nangyari sa plano ng mga court sheriffs.