Manila, Philippines – Pinadadagdagan ni House Speaker Gloria Arroyo ng P20 Billion pa ang budget ng Department of Agriculture.
Ang suhestyon ng Speaker ay kasunod ng 6.7% inflation rate na naitala ngayong Setyembre.
Ayon kay Arroyo, mas ramdam ang inflation sa pagtaas ng presyo ng mga pagkain.
Aniya, bumaba ang porsyento ng budget sa Agrikultura mula sa 6% noong panahon ng kanyang pamamahala sa 1.5% mula sa mga sumunod na administrasyon.
Dahil sa mababang pondo, hindi aniya nakapagtataka na naging negatibo ang growth sa agrikultura at nagkaroon ng kakulangan ng suplay ng bigas at pagkain na isa sa dahilan ng inflation.
Sinusubukan na umano ni SGMA na mapadagdagan ang pondo ng DA bago pa ito maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa.
Ngayong 2019 ay nasa P49.8 Billion ang budget ng DA mas mababa ng P3.54 Billion sa P53.34 Billion na budget ngayong 2018.