PINADALI | 5 E-Gates sa NAIA, magagamit na ng mga pasahero

Simula sa Biyernes, November 23 magagamit na o magiging operational na ang 5 bagong lagay na Electronic Gates (E-Gates) sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ayon kay Immigration Port Operations Division Chief, Grifton Medina nagsimula ang installation ng 5 E-Gates noong November 10 at natapos nitong November 19 at magmula kahapon hanggang sa Huwebes ay sinimulan na ang calibration ng mga E-Gates.

Sinabi pa ni Medina na ang mga ito ay malaking tulong upang mapabilis ang immigration transactions ng mga pasahero dahil nasa 12 hanggang 15 seconds lamang ang kinakailangan upang i-swipe ang kanilang passports.


Ang mga E-Gates ay mayroong modernong security features gaya ng facial recognition, biometric scanning, bar code reading at smart card recognition.

Layunin din ng paglalagay ng E-Gates na mapaghusay ang kapasidad ng BI na matukoy ang mga bumibiyahe na mayroong negative records, mga wanted na pugante at iyong mga nasa blacklist o mayroong hold departure order (HDO).

Sa ngayon mayroon ng 3 E-Gates na gumagana sa NAIA Terminal 3 magmula noong July.

Samantala, nasa 21 E-Gates na ang naka-install sa ilang major airports sa bansa kung saan 5 dito ang nakalagay sa NAIA Terminals 1 at 3, 3 sa NAIA Terminal 2, 3 sa Cebu at Clark at 2 sa Davao Airport.

Facebook Comments