Manila, Philippines – Maaaring ng makakuha ng appointment at schedule online sa Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista kukuha o mag-papa-renew ng lisensiya at rehistro ng sasakyan.
Ayon kay LTO Management Information Division Chief Rector Antigua, mas mapapabilis ng online appointment at scheduling system ang pag-asikaso ng mga motorista sa mga dokumentong kakailanganin mula sa ahensiya.
Pero sa ngayon ay sa apat na distrito lang ng LTO maaaring magamit ang online scheduling system it sa Marikina, Pasig, Muntinlupa, at Novaliches City.
Sa mga nais mapakinabangan ang serbisyo, gaya halimbawa ng pagkuha o pag-renew ng lisensiya, maaaring i-access ang www.lto.net.ph.
Balak naman ng LTO na ipatupad ang online system sa buong bansa bago matapos ang taon.