PINADALI | DFA, lumagda ng kasunduan sa isang mall para sa mas maraming mall-based consular office

Manila, Philippines – Malugod na inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpasok ng kasunduan sa SM Prime Holdings at Gaisano Group para sa pagbubukas ng apat pang mga mall-based consular office na makakatulong sa pagbigay ng serbisyo sa publiko.

Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano ang mga bagong DFA consular office ay matatagpuan sa SM City Dasmariñas, Cavite; SM City San Pablo, Laguna: SM Cherry Foodarama Antipolo, Rizal; at sa Gaisano Mall sa Tagum City.

Sa karagdagan, tatlo pang ibang consular offices ang tinatayang itatag sa Malolos City, Bulacan Paniqui, Tarlac at Ozamiz City o sa Oroquieta City sa Mindanao.


Ayon naman kay Foreign Affairs Assistant Secretary for Consular Affairs Frank Cimafranca, ang pagbubukas ng mga bagong opisina ng DFA ay malaking tulong sa ahensya para lalong palawakin at palakasin ang kapasidad ng DFA sa pagbibigay ng pasaporte.

Sinabi pa ni Assistant Secretary Cimafranca, bukod pa sa bagong consular offices ay dinoble din ng DFA ang bilang ng mga van para sa Passport on Wheels Program nito, kasama na ang Mobile Outreach Services para mas maraming passport applicant ang matulungan hindi lamang sa Metro Manila kundi pati na rin sa mga probinsya.

Facebook Comments