Manila, Philippines – Bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na mapalapit ang passport at consular services sa sambayanang Filipino, nakatakdang magbukas ng bagong consular offices ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Northern Luzon.
Kabilang sa mga bubuksan ang DFA consular office sa San Nicolas, Ilocos Norte sa darating na May 8 at Santiago, Isabela sa darating naman na May 15.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano bukas ang mga nabanggit na opisina ng DFA Lunes hanggang Sabado
Kasunod nito iniulat ng ahensya na tumaas ang passport production ng 20% last year kumpara sa 1.89 percent increase nuong 2016 at .054 percent increase nuong 2015.
Isa sa mga dahilan ng mataas na passport demand ay ang pagpapalawig ng 10 taon ng validity period nito.
Dahil dito asahan pa na magbubukas ng karagdagang DFA consular offices ang ahensya sa iba pang panig ng bansa.