PINADALI | DSWD, pasisinayaan ang registration ng E-Services Online Application for Travel Clearance for Minors

Manila, Philippines – Naniniwala ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR) na lalong mapabilis at mabawasan na ang red tape sa gagawing pagsinaya ng ahensiya ng E-Services Online Application for Travel Clearance for Minors sa ibang bansa.

Sa ilalim ng DSWD E-Services ang ahensiya ay magbibigay ng direktang access sa pamamagitan ng internet na maaring gamitin sa cellphone o computers.

Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, humahanap ng paraan ang ahensiya upang mapaayos at mapabilis ang kanilang sistema sa pagbibigay serbisyo sa publiko.


Paliwanag ng kalihim ang Travel Clearance for Minors Traveling Abroad ay alinsunod sa Administrative Order No. 12 series 2017 o Omnibus Guidelines for Minors Traveling Abroad upang mabigyan ng proteksyon ang mga menor de edad na lalabas sa ibang bansa na walang pahintulot sa kanilang mga magulang o guardian.
Layon ng naturang Administrative Order ay upang mabigyan ng seguridad ang mga menor de edad sa mga nangaabuso, exploitation, discrimination at iba pang kahalintulad na gawain na posibleng mauwi sa Child Trafficking.

Facebook Comments