Manila, Philippines – Ilulunsad ngayong araw ng Bureau of Immigration (BI) ang electronic gate o e-gate system sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 1 at 3.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, layon ng e-gate system na mas mapabilis ang proseso para sa mga Pilipinong nagbabalik bansa.
Aniya, target din ng ahensya na makapagtayo ng dalawampu’t isang ‘e-gates’ sa buong bansa.
Paliwanag ni Sandoval, tatanggapin ng ‘e-gate’ ang may mga updated passport na mayroong ‘chips security features’.
Facebook Comments