PINADALI | E-payment scheme sa passport application ipatutupad na ng DFA

Manila, Philippines – Ipatutulad na simula ngayong bwan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang e-payment scheme sa buong National Capital Region (NCR).

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano ang lahat ng magre-renew at mag-a-apply ng Philippine e-passport ay magbabayad muna ng passport processing fees gamit ang DFA e-payment portal upang makakuha ng kanilang slot sa online appointment system.

Kapag ito ay nakumpirma na kinakailangan lamang magpakita sa DFA Consular Office sa petsa at oras na nakalagay sa iyong appointment at siguraduhing magdala ng naka-print ng kopya ng confirmed passport appointment at iba pang mga dokumento.


Magbabayad din ang mga aplikante ng PHP 1,200.00 para sa expedited processing habang P950.00 naman para sa regular processing.

Sinabi ni Cayetano na sa isinagawa nilang pilot test lumabas na lumiit ang bilang ng mga nasasayang na slots, ibig sabihin nabawasan ang mgg kumukuha ng appointment pero hindi naman sumisipot sa mismong araw ng kanilang appointment.

Nawala rin ang bogus appointments dahil kinakailangan munang magbayad ang isang aplikante bago ma-confirm ang kanyang appointment.
Naging mas mabilis din aniya ang pagproseso ng mga pasaporte sa e-payment scheme.

Facebook Comments