PINADALI | Karagdagang e-gates, ilalagay sa NAIA sa 2019

Target ng Bureau of Immigration and Deportation na mag-install o magkabit ng karagdagang e-gates sa mga pangunahing paliparan sa una o ikalawang quarter ng 2019.

Plano ng kawanihan na magdagdag pa ng dalawampu hanggang apat na pung e-gates sa mga pangunahing paliparan sa bansa.

Layon nito na mapabilis pa ang immigration transactions.


Nais ni Grifton Medina, Immigration Port Operations Division chief na ikabit ang mga e-gates sa departure areas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa kasalukuyan, ang bansa ay mayroon 21 e-gates, lima ang nakakabit sa NAIA Terminal 1 at 3; tatlo sa NAIA Terminal 2, tig tatlo sa Cebu at Clark at dalawa sa Davao.

Sa kasalukuyan, ang mga e-gate ay naka-install sa arrival areas at ang mga ito ay maaaring gamitin ng mga Filipino passport holders.

Mangangailangan ng P300 hanggang 600 million para sa karagdagang e-gates, dahil gumastos na ang pamahalaan ng P328 milyon para sa unang 21 e-gates.

Itinampok ng Medina ang benepisyo ng paggamit ng mga e-gates sa pagbawas sa mahabang pila sa mga counter ng immigration at mas mabilis na pagproseso.

Ang mga ito ay hindi na kailangan pang tauhan at mangangailangan lamang ng 8 hanggang 15 segundo upang iproseso ang entry o pagpasok ng isang pasahero.

Sinabi ni Medina sa season na ito, 90,000 hanggang 100,000 na pasahero ang dumarating sa NAIA Terminals 1, 2, at 3 bawat araw.

Malaking tulong ang mga e-gates, dahil 1,000 pasahero ang kayang i-accommodate nito sa loob lamang ng tatlumpung minuto.

Facebook Comments