PINADALI | Libreng gamot para sa mga mahihirap, gagawing accessible sa lahat ng government medical facilities

Manila, Philippines – Isinusulong ni House Committee on Appropriations Vice Chairman Alfred Vargas ang pagbibigay ng libreng gamot sa lahat ng mga mahihirap na Pilipino.

Sa House Bill 3753 na inihain ni Vargas, ang mga libreng gamot para sa mga maralita ay gagawing available sa lahat ng government medical facilities.

Layunin ng panukala na maka-survive sa sakit, gumaling sa karamdaman at maging malusog ang mga mahihirap na Pilipino.


Batay sa World Health Organization (WHO), nasa 33% lamang ng mura, ligtas at de kalidad na gamot ang makikita sa mga ospital na pinapatakbo ng gobyerno.

Dagdag pa ni Vargas, maging ang mga gamot na sakop ng PhilHealth ay hindi rin mabibili sa mga authorized outlets dahilan kaya maraming mga low-income patients ang hindi na nagagamot o hindi naman kaya ay napipilitan nang bumili ng mamahaling gamot.
Aabot sa ₱1 Billion ang pondo para sa Libreng Gamot Program at ito ay striktong ipagkakaloob lamang sa mga mahihirap na Pilipino.

Facebook Comments