Manila, Philippines – Maaari nang maipaabot ng mga babaeng miyembro ng Social Security System (SSS) ang kanilang “maternity notification” sa pamamagitan ng text message.
Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, hindi na kailangan pang dumayo ng mga nagdadalantao para ipabatid ang kanilang estado.
Aniya, kailangan lang itext ang sss maternitynotif (space) sssnumber (space) pin (space) expected delivery date mm/dd/yyyy (space) total number of pregnancies (kasama ang kasalukuyang pagbubuntis) at ipadala sa 2600.
Ani ni Dooc na ipapasa lamang ang katibayan ng pagbubuntis kasabay ng aplikasyon ng maternity reimbursement sa SSS.
Bukod naman sa text, maaari ring ipadala ng mga miyembro ang kanilang maternity notification sa pamamagitan ng kanilang online account sa my.sss.
Kailangan lamang ilagay ng miyembro ang petsa kung kailan siya manganganak, bilang ng panganganak at petsa ng huling panganganak.
Palala ng SSS na ang maternity notification sa text at online facility ay pwede lamang sa mga self-employed at voluntary members habang ang mga employed members ay kinakailangan pa ring magsabi sa kanilang employers at ang employers ang magsasabi sa SSS.