PINADALI | Taguig-Makati Skytrain Monorail Project, inendorso na ng DOTr

Ipinagkaloob ng Department of Transportation (DOTr) ang ‘original proponent status’ sa two-kilometer skytrain monorail project na magkokonekta sa Taguig at Makati City.

Ang proyekto ay proposal ng Infracorp Development Inc., ang infrastructure company ng business tycoon na si Andrew Tan.

Ayon Kay Infracorp President Kevin Tan, pinupuri nila ang mabilis na aksyon ng gobyerno.


Patunay aniya ito ng seryoso ang gobyerno sa infrastructure developments.

Dapat lamang aniya na makonekta ang dalawang major districts ng lungsod.

Ang monorail project ay gagamit ng automated cable-propelled monorail technology na layong mabawasan ang biyahe mula Uptown Bonifacio patungong Guadalupe MRT-3 station sa limang minuto.

Kokonekta ang monorail sa iba pang transport hubs at mabebenepisyuhan ang 60,000 hanggang 100,000 pasahero kada araw.

Dahil inendorso na ng DOTr ang proyekto, sasailalim sa review ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang proposal.

Facebook Comments