PINADEDEKLARA | August 30, gustong gawing press freedom day

Manila, Philippines – Pinadedeklara ng ilang Senador bilang press freedom day sa bansa ang August 30.

Sa panukalang inihain nina Senators Bama Aquino at Sherwin Gatchalian – nais nilang magkaroon ng “national responsible press freedom day” sa bansa na anila ay itinatakda ng saligang batas.

Sa ilalim ng section 4, article 3 ng bill of rights, hindi lang ang karapatang magsalita at sumulat ang ginagarantiyahan kundi maging ang karapatan na maprotektahan laban sa banta, pananakot at karahasan.


Sabi ni Aquino, kung maidedeklara ang press freedom day, magsisilbi itong paalala sa mga panahong nagkaroon ng pagsikil sa malayang pamamahayag.

Facebook Comments