PINAG-AAGAWANG TERITORYO | Dating Senator Rodolfo Biazon, nakukulangan sa mga hakbang ng administrasyong Duterte hinggil sa mga isyu ng West Philippine Sea at Philippine Rise

Manila, Philippines – Nakukulangan si dating Senador Rodolfo Biazon sa ginagawa ng administrasyon para pangalagaan ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea at Philippine Rise.

Ayon kay Biazon – kailangang protektahan ang interes ng Pilipinas na naaayon sa batas.

Una nang iginiit ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Alan Peter Cayetano na hindi kikilalanin ng Pilipinas ang mga pangalang ibinigay ng China sa limang undersea features ng Philippine Rise.


Planong ng Pilipinas na i-apela ito sa International Hydrographic Organization (IHO) na siyang nag-apruba sa mga ibinigay ng China.

Facebook Comments