Manila, Philippines – Pinasinungalingan ng Palasyo ng Malacanang ang paratang na walang ginagawa ang Administrasyong Duterte na para kontrahin ang patuloy na pagtatayo ng China ng mga pasilidad sa mga pinagaagawang teritoryo sa South China Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, naghain na ang pamahalaan ng protesta laban sa China dahil sa militarisasyon ng mga artificial islands sa nasabing lugar.
Binigyang diin ni Roque na matagal na nilang pinoprotesta ang pagtatayo ng China ng Military facilities sa at sa katunayan aniya ay idudulong ito sa Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea kung saan ang ikalawang meeting ay gagawin bukas dito sa Manila.
Sinabi pa ni Roque na handa din siyang ipakita ang mga pruweba sa mga kritiko na mayroong ginagawang aksyon ang pamahalaan sa issue at hindi lang ito nagpapabaya.
PINAG-AAGAWANG TERITORYO | Malacanang, binigyang diin na kumikilos ang pamahalaan sa issue ng South China Sea
Facebook Comments