PINAG-AARALAN | Mga agency ng mga OFW na minaltrato, sususpindihin?

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagkakansela o pagsususpinde sa mga agency na nagpadala sa mga OFWs sa Kuwait na nakaranas ng pangmamaltrato o pang-aabuso.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, titignan nila ang pagkukulang o kapabayaan ng mga ito, dahilan kung bakit nalagay sa alanganin ang mga OFWs sa Kuwait.

Inanunsyo rin ng kalihim na mayroong mga tauhan mula sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ang paiimbestigahan sa posibleng kapabayaan sa kaso ng mga naabusong OFWs.


Ngayong umaga, pinirmahan na rin ng kalihim, ang administrative order na opisyal nang nagbabawal sa pagpapadala ng mga OFWs sa bansang Kuwait.

Facebook Comments