PINAG-AARALAN | Motorsiklo sa EDSA, tuluyan na kayang ipagbabawal?

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tuluyang ipagbawal ang mga motorsiklo sa EDSA.

Ito ay matapos imungkahi ng Metro Manila Council kasunod ng dumaraming road accidents na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

Kasabay nito, ikakasa ng grupong Philippine riders ang kilos protesta ngayong araw sa EDSA People Power Monument bilang pagtutol sa plano.


Giit ng grupo, hindi ito ang solusyon para mapagaan ang trapiko sa EDSA.

Nakakatulong pa nga sila sa trapiko dahil naeenganyo ang ibang motorista na bumili ng sarili nitong motorsiklo.

Facebook Comments