PINAG-AARALAN NA | Bus ban sa ilang bahagi ng skyway, pinag-aaralan ng TRB

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang pagbabawal sa mga pampasaherong bus na dumaan sa ilang bahagi ng skyway sa Metro Manila.

Ito ay kasunod ng maraming tsuper ang sumusuway sa 80 kilometers per hour speed limit.

Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng penalty, isa sa kanilang ikinukunsidera ay ang hirap sa paghuli sa mga lumalabag na bus driver.


Isa rin sa mga itinuturong dahilan ng mga aksidente sa skyway ay ang matuling pagmamaneho ng mga bus driver.

Pero sagot ng MMDA Supervising Operations Officer Bong Nebrija – maaring makaapekto naman ito sa bigat ng trapiko sa iba pang bahagi ng skyway at dagdag pahirap din ito sa mga pasahero.

Facebook Comments