Manila, Philippines – Sinimulan na ng Department of Health ang sariling pagaaral kaugnay sa medical use ng marijuana.
Ito ayon kay Health Secretary Francisco Duque III ay dahil kailangan muna nilang magkaroon ng sapat at convincing evidence na epektibo ang paggamit ng marijuana sa aspetong medikal.
Bilang kalihim at doktor aniya, kailangan niyang siguruhin ang kaligtasan ng mga gamot na ilalabas sa merkado.
Bukod dito, prayoridad nila sa Department of Health na matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino.
Facebook Comments