PINAG-AARALAN NA | Makabayan bloc, handang kwestyunin sa Korte Suprema ang pagkakatalaga kay CGMA

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Makabayan bloc kung pwedeng kwestyunin sa Korte Suprema kung lehitimo ang pagkakatalaga kay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo bilang bagong House Speaker.

Ayon kay Anakpawis Partylist Representative Ariel Casilao, isa itong kapalpakang legal at pulitikal.

Sabi naman ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate, hindi kinilala sa plenaryo ang valid objection bago aprubahan ang resolusyon.


Aniya, kinokondena nila ito at ang speakership ni Arroyo.

Giit naman ni Act Teacher Partylist Representative Antonio Tinio, minadali ang pag-apruba sa resolusyon.

Facebook Comments