Pinag-aaralan na ngayon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang posibleng pagdulog sa United Nations hinggil sa pinakahuling insidente ng pambu-bully ng China sa Panatag Shoal.
Ayon kay Secretary Locsin masusi nilang pinag-aaralan ang kanilang magiging susunod na hakbang.
Posible ayon sa kalihim na kapag lumala na ang sitwasyon ay tsaka sila dudulog sa UN para sa panibagong diplomatic protest.
Katwiran nito makailang beses na rin kasing naghain ng protesta ang Pilipinas laban sa China pero wala namang nangyayari.
Ang pahayag ni Locsin ay bunsod ng panawagan ni Senator Gregorio Honasan ang pinuno ng Senate Committee on National Defense & Security na kumilos na ang DFA laban sa pambu-bully ng China na itinuturing na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.