PINAG-AARALAN NA | Pagpaslang sa 2 Chinese national, maaaring dahil sa ilegal na droga

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ngayon ng Manila Police District (MPD) ang usapin hinggil sa ilegal na droga bilang motibo sa pagpaslang sa dalawang Chinese national na kalalabas lamang sa kulungan ng General Assignment and Investigation Section ng MPD nang maganap ang pamamaslang sa kanila nang mga hindi nakilalang salarin noong Sabado.

Ang pahayag ni MPD Spokesman Police Superintendent Carlo Manuel, ay kasunod nang mga naglabasang ulat na isa sa napaslang na biktima na si Yan Yi Shou, alyas Rudy ay sinasabing may kaugnay kay Intelligence Officer Marine Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino at sa P380-M drug case noong 2016.

Ayon kay Manuel, na-interview na ang mga kamag-anak ni Randy ngunit walang kaaway ang biktima na maaaring maging dahilan ng pagpatay.


Sa record ng MPD, noong Agosto 13, 11:30 ng gabi, sina Yan Yi Shou at kasamang si Wu Huai Hong ay inireklamo ng alarm and scandal ng kanilang kapitbahay sa Binondo, Maynila at ipinadampot sa pulis hanggang sa ang dalawa ay dinala sa MPD.

Gayunman, sinabi ni Manuel na ang dalawa ay nag-resist sa mga arresting officer at nagbanta pa, kaya sila ay nakasuhan ng alarm and scandal, resisting arrest at threat.

Paliwanag pa ni Manuel na hindi na isinulong ng complainant ang kaso mga pulis na ang nagsulong sa Metropolitan Trial Court ng kasong resisting arrest and threat laban sa dalawa kaya sila ay nagtagal nang mula Agosto 14, 15, 16, 17.

Nakalabas aniya ang dalawa matapos na makapagpiyansa ng tig P60,000 noong Sabado, Agosto 18.

Facebook Comments