PINAG-AARALAN NA | PRRD, posibleng humirit ng supplemental budget

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghirit ng supplemental budget sa Kongreso para sa susunod na taon.

Ito ay para gamitin sa pagpapagawa ng mga pabahay sa mga miyembro ng Philippine Navy at Philippine Air Force.

Ayon sa Pangulo, inatasan na niya si National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada Jr. na maghanap ng lupa na maaring pagtayuan ng pabahay ng mga navy at air force


Sakali aniyang meron, sabi ng Pangulo, ihihingi niya ito ng pondo sa Kongreso sa 2019 sa harap ng kanyang kagustuhan na mabigyan ng pantay-pantay na benepisyong pabahay ang mga sundalo at pulis.

Facebook Comments