MANILA – Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista – tinitingnan nila ang dagdag na tatlong oras para mas makilala ng mga botante ang mga kandidato.Layon din nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na mailahad ang kanilang plataporma sa mga botante.Aminado naman si Bautista na walang pondo ang Comelec para bayaran ang airtime ng mga networks kaya pinayagan nila ang mga commercials.Panel Format ang susundin sa Ikalawang Presidential Debate sa Visayas sa University of the Philippines Cebu sa Marso-a-bente.Samantala, posibleng mas maagang matapos ang pag-iimprenta ng mga balota sa National Printing Office (NPO).Kasunod ito ng magandang takbo ng printing, kung saan nalagpasan na ang 800,000 ballot sheet na target kada araw.Mahigit isang milyon ang natatapos nila kada araw kaya maaaring sa unang linggo ng Abril ay matapos na nila ito.Sa ngayon, nasa 10.7 million na ang nailimbag na balota.
Pinag-Aaralan Ng Commission On Election Ang Posibleng Dagdag Oras Sa Mga Susunod Na Presidential Debate
Facebook Comments