PINAG-AARALAN | Olivar, posibleng makasuhan dahil sa ginawang bomb scare – ayon sa NCRPO

Manila, Philippine – Pinag-aaralan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang posibleng kasong pwedeng isampa laban sa blogger na si Andrew Olivar.

Ito’y matapos mag-bomb joke si Oliver sa kanyang facebook post kaugnay ng ika-46 na taong anibersaryo ng deklarasyon ng martial law.

Ayon kay NCRPO Director, C/Supt. Guillermo Eleazar – inaalam nila kung nalabag ni Olivar ang Presidential Decree 1727 na may kaugnayan sa Republic Act No. 10195 o Cybercrime Prevention Act of 2012.


Sinumang mapatunayang lumabag sa nasabing batas ay makukulong ng mahigit limang taon at magbabayad ng multang aabot sa ₱40,000.

Una nang humingi ng sorry si Olivar at sinabing wala siyang intensyon na takutin ang publiko.

Facebook Comments