PINAG-AARALAN PA | Paglikha ng OPS, hindi pa masabi kung kailan mangyayari

Manila, Philippines – Hindi pa rin umaabot kay Pangulong Rodrigo Duterte ang draft ng Executive Order (EO) na lilikha sa Office of the Press Secretary o OPS.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, hanggang sa ngayon ay nasa Office of the Executive Secretary pa rin ang draft ng EO at patuloy na pinag-aaralan ni Secretary Salvador Medialdea.

Sinabi ni Andanar, gusto ni Pangulong Duterte na isang tao na lamang ang tatayo bilang kanyang tagapagsalita at press secretary.


Sa harap nito ay inamin ni Andanar na hindi niya kakayanin ang ganitong kabigat na responsibilidad kaya malabong siya ang italaga ng Pangulo na maging press secretary.

Sa oras na mabuo ang OPS ay awtomatikong malulusaw ang Presidential Communications Operations Office o PCOO pero sinabi ni Andanar na nasa tabi-tabi lamang siya sakaling mangyari ito.

Nagbigay naman ng clue si Andanar kung sino ang napupusuan ni Pangulong Duterte na gawing press secretary kung saan sinabi ni Andanar na ito ay isang magandang lalaki.

Facebook Comments