PINAG-AARALAN | Pilipinas, planong bumili ng barko mula Russia

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng Pilipinas ang pagbili ng mga barko mula Russia.

Nabatid na nagbigay ng babala ang Estados Unidos sa Pilipinas sa pagbili nito ng armas at iba pang kagamitang pandigma sa Russia.

Ayon kay Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta – hindi lang naman ang Pilipinas ang may planong bumili ng armas at military hardware sa Russia, maging ang iba pang developing countries.


Paglilinaw ni Sorreta – hindi nakikialam sa pulitika sa isang partikular na bansa ang russia lalo na sa pagbebenta ng mga armas.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibili rin ng pamahalan ng mga submarines galing Russia.

Nagbigay na rin ang Russian government ng 20 military trucks, 5,000 ak-47 rifles, mga bala at military helmets.

Facebook Comments