PINAG-IINGAT | DFA, naglabas ng bagong security advisory sa mga Pilipino sa Syria

Manila, Philippines – Naglabas muli ng bagong security advisory ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino na nasa Damascus, Syria.

Ayon kay Dfa-Office of Public Diplomacy Assistant Secretary Elmer Cato, nakatanggap sila ng mga ulat kung saan nagbabadyang magkakaroon ng opensiba ang Syrian army laban sa mga Islamic State Militants.

Patuloy aniyang binabantayang ang sitwasyon sa damascus.


Pinayuhan naman ni Charge D’affaires Alex Lamadrid ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus ang mga Pilipino roon na manatiling nasa loob ng kanilang tinutuluyan at iwasan ang hindi mahahalagang biyahe.

Aabot sa 1,000 pilipino ang nasa Syria.

Facebook Comments