Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga miyembro Filipino Community sa Tripoli dahil sa nagpapatuloy na labanan sa southern part ng kapital.
Payo ng DFA sa mga Pilipino doon, gawin lahat ng kinakailangan pag-iingat, manatili sa loob ng tahanan at iwasan ang pagpunta sa mga lugar na idineklara na hindi ligtas o may banta ng kaguluhan.
Ayon sa Philippine Embassy, ang labanan ay nagresulta sa flight interruptions sa Maetiga Airport at ilang mga daanan sa south o timog ng kapital ay sarado.
Sinabi ni Chargè d’Affaires Mardomel Melicor, ligtas naman lahat ng personnel ng embassy at mga miyembro ng DFA team na unang ipinadala ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa Libya.
Mayroon tinatayang 3,500 Filipinos sa buong Libya base sa record ng embahada, sa nabanggit na bilang 1,850 rito sa nasa Tripoli Capital City Area.