Manila, Philippines – Magsasagawa ang Department of Health (DOH) ng “catch-up immunization” sa National Capital Region (NCR) at Mindanao para maiwasan ang paglaganap ng mga kaso ng tigdas sa bansa.
Ayon kay ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sa Abril 25 hanggang Mayo 24 gagawin ang unang round ng immunization sa NCR habang Mayo 9 hanggang Hunyo 8 naman sa Mindanao,
Aniya, layunin ng “catch-up immunization” na mabakunahan ang mga bata sa bawat barangay at purok.
Kabilang sa mga lugar kung saan may idineklarang measles outbreak nitong taon ang Davao City, Zamboanga City, Taguig, at Negros Oriental.
Sinabi naman ni Health Spokesperson Lyndon Lee-Suy, sa loob ng isang araw matapos ipanganak ang isang sanggol ay dapat nabigyan na ito ng bacillus calmette–guérin vaccine pangontra sa sakit na tuberculosis at bakuna kontra hepatitis B.
Pagtuntong aniya ng bata sa isa’t kalahating buwan ay may mga listahan ulit ng mga bakunang ibibigay.
Pagtuntong naman ng bata sa ikasiyam na buwan, bibigyan na siya ng bakuna laban sa tigdas, beke, at rubella o German measles.