Manila, Philippines – Aabot sa 25 social media accounts ang nagsasagawa ng illegal adoption.
Panawagan ngayon ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Virginia Orogo sa publiko na dumaan sa legal na proseso ng pag-aampon para sa proteksyon na rin ng mga inabandona at pinabayaang mga bata.
Babala pa ng kalihim, huwag makikipag-transaksyon sa social media dahil malinaw na paglabag ito sa karapatan ng mga bata at mariin nilang kinokondena ito.
Giit ni Orogo, hindi ‘paninda’ ang mga bata na ibinebenta lang online o kung saan-saan.
Sa ngayon, isinusulong ng kagawaran ang mga reporma para gawing simple ang adoption process.
Facebook Comments