Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at pagkonsumo ng ilang unregistered food products.
Kabilang na dito ang mga sumusunod:
General Mills Cocoa Puffs Naturally
Flavored Frosted Corn Puffs
General Mills Golden Grahams Cereal
General Mills Cheerios Chocolate Flavored
Whole Grain Oat Cereal
Lumabas sa FDA post-marketing surveillance na ang mga nabanggit na food products ay hindi dumaan sa tinatawag na registration process at nabatid na walang Certificate of Product Registration na tahasang paglabag sa Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009.
Ayon sa ahensya ang paggawa, importasyon, exportation, pagtitinda o kahit promotion ng mga nabanggit na food products ay mahigpit na ipinagbabawal.
Paliwanag pa ng FDA dahil ang mga ito ay walang certification at hindi nabigyan ng permit, hindi matitiyak ang kaligtasan nang sinumang kakain nito.