PINAG-IINGAT | Gobyerno, binalaan ni Sen. Recto kaugnay sa planong pag-utang ng halos 1.2 trillion pesos

Manila, Philippines – Pinag-iingat ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang gobyerno sa planong pag-utang ng halos 1.2-trillion pesos para idagdag sa budget sa susunod na taon.

Ayon kay Recto, nakapalaking halaga ang uutangin kaya dapat siguraduhin na produktibo ang paggagamitan nito.

Paalala ni Recto, tumataas ang interest rates at tiyak na papasanin ng susunod na henerasyon ang perang uutangin ng pamahalaan.


Diin pa ni Recto, maari itong maging dahilan ng pagtaas ng inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Kaugnay nito ay tiniyak ni Recto na mahigpit nilang bubusisiin ang panukalang mahigit P3.7 trillion pesos na national budget para sa taong 2019.

Ayon kay Recto ito ay para tiyaking makatwiran ang pagkakagastusan sa buwis ng taumbayan.

Facebook Comments