PINAG-IINGAT | Halos 11 libong bagong kaso ng dengue, naitala ng DOH sa unang 6 na linggo ng 2018

Manila, Philippines – Halos 11,000 bagong kaso ng dengue ang naitala ng Department of Health sa unang anim na linggo ng 2018.

Sa report ng DOH Dengue Disease Surveillance – aabot sa 10,980 dengue ang naitala mula January 1 hanggang February 10.

23% ito ay nasa edad 10 hanggang 14 taong gulang.


Sa nasabing bilang, limampu’t isa ang namatay dahil sa dengue.

Mas mababa ito nang 41.38% kaysa 18.731 na naitala sa parehong panahon noong 2017.

Ayon sa DOH, karamihan sa mga 11,000 kaso ay nasa mga lugar kung saan isanagawa ang Mass Dengue Vaccination Program.

Nangunguna rito ang Calabarzon na may 2,503 kaso.

Sinundan ito ng Central Luzon na may 1,964 na kaso at National Capital Region na may 1,820 na kaso.

Facebook Comments