PINAG-IINGAT | Ilang pesticides ibinabala ng FDA

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na maging maingat sa paggamit ng rodenticides o lason sa daga upang makontrol ang mga daga lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Panahon kung saan ang leptospirosis ay kadalasang nakukuha o nahahawa kapag ang isang tao ay lumusong sa baha na kontaminadong ihi o dumi ng mga daga na nagdadala ng bakterya ng leptospira.

Layon ng paalala na mabawasan ang panganib ng accidental exposures sa rodenticides ng mga kasama sa bahay, kabilang ang mga alagang hayop.


Ang mga mamimili ay pinapayuhan na sundin ang mga sumusunod na do at don’ts sa paggamit ng rodenticides upang matiyak na ang pagkakalantad sa hazardous substances ay mabawasan sa ligtas na lebel:

1. Basahin ang product label at sundin ang instruction.
2. Laging i-imbak ang mga pestisidyo sa lugar na di maaabot ng mga bata at mga alagang hayop.
3. Huwag kailanman mag-imbak ng mga rodenticide sa tabi ng pagkain, kabilang ang pagkain ng mga alagang hayop.
4. Alisin ang mga hindi nagamit na pain at itapon ng maayos.

Dagdag dito, lahat ng mga mamimili ay pinapayuhan na bumili lamang ng registered Household/Urban Pesticide (HUP) products mula sa FDA licensed manufacturers, traders at distributors.

Hinikayat din ng FDA na i-check ang website para sa listahan ng registered Household/Urban Pesticide (HUP) products.

Facebook Comments