Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Israel dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon.
Ayon sa DFA inalerto na nila ang nasa halos 30,000 Pinoy sa Israel.
Ito ay dahil sa lumalalang kaguluhan sa nasabing bansa ng Israeli forces at Palestinian militants sa Gaza.
Sinabi ni Ambassador to Israel Neal Imperial pinayuhan na nila ang mga Pinoy sa Netivot, Sha’ar hanegev, Ashkelon, Eshkol, Ashdod, Sderot, Beersheba, iba pang lugar na malapit sa Gaza, West Bank at Golan Heights na mag-ingat, lumayo mula sa mga matataong lugar at sumunod sa local authorities upang di madamay sa gulo.
Base sa ulat, nagpaulan ng 400 projectiles ang Palestinian militants sa Gaza dahilan para mag-airstrike ang Israeli forces nitong Lunes.
Sa nasabing gulo, 8 na ang naitatalang nasawi.