Pinag-iingat ng Embahada ng Pilipinas ang mga pinoy sa Israel sa mga inaalok na trabaho sa restaurant

Sa pahayag ng embahada na ipinarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakatanggap sila ng mga report na isang “Ilan Davidovich” ang nag-aalok ng trabaho sa Israel gamit ang facebook kung saan kadalasang taga-Cebu at Maynila ang binibiktima.

 

Paglilinaw ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA, illegal recruitment ang ginagawa nito sa facebook dahil wala namang trabahong inaalok ang mga restaurant sa Israel para sa mga Pilipino.

 

Hindi rin anila kabilang sa mga recruitment agencies si Davidovich dahil tapos na ang aplikasyon nito sa POEA noon pang Nobyembre 2019.


Facebook Comments